ACE Dapat masaya ako ngayon dahil mauuwi ko si Laurianne ngayong araw dahil nanalo ako sa pustahan namin pero paano ako matutuwa kung ganito ang set-up naming magkakaibigan. "Tara na dude, wala na sina Deina at Yuri, sino pang tinitingnan mo? At bakit ganyan ang ngiti mo? Para kang kinikilig na ewan," tanong ko kay Lei dahil ang weird ng ekspresyon sa mukha niya. Siya lang ang bukod tanging nakangiti samantalang ang iba ay problemado at hindi maipinta ang mukha. "What? Kinikilig? Nagha-haluccinate ka lang." Nangasim ako sa natanggap kong sagot. Ibinalik niya pa sa akin ang sisi. "Luh? Kahit nakangiti ka naman talaga," pamimilit ko. Umiling lang si Lei tapos inaya na niya kami ni Chase na bumalik na. Ilang hakbang palang ang nagagawa namin nang tumigil sa paglalakad si Lei. Sabay-saba