DEINA "Tao po!" tawag ko. Nakailan na ba ako? Sampu? Pucha may tao ba sa loob dahil pakiramdam ko lalabas na ang lalamunan ko sa aking katawan. "Tao po! Tao po ang nasa labas!" Noong wala pa ring sumasagot, napuno na ako't sinipa ang gate. Hindi ko iyon tinigilan hangga't walang lumalabas. Narinig ko nang may kumalampag sa kabilang dako kaya naman tumigil na ako't lumayo nang bahagya. "Sino po sila?" tanong no'ng matanda. Sumilip lang ito't tanging ulo lang ang nakalabas. "Ano po, dito po ba nakatira si Xyrille?" magalang kong tanong kay Manong. "Ay opo. Sino po sila?" "Deina Reyes po. Kasamahan po ako ni Xyrille sa cheerleading po. Dito raw po kasi 'yong practice po," wika ko. "Ay sandali lang po. Tingnan ko po kung nandito 'yong pangalan niyo sa listahan po ng bisita." "Sige p