LAURIANNE "Hello? Dayday! Shuta, Dayday!" Ilange beses kong tinawag and pangalan niya pero bigla na lang namatay ang tawag. "Aish! Bago 'yon, ah! Never akong binabaan ng tawag ni Dayday, ngayon lang!" bulalas ko habang nakatingin sa phone screen. "Anong sabi? Palabas na ba raw siya ng school? Naka-lock ang gate nila, eh. Wala ata 'yong kuya niya," wika ni Sam. "Saaaam! Binabaan ako ni Dayday! Hindi ko alam kung bakit! Baka nalaman na niya sa iba 'yong ano, kiss namin ni Ace? Sa tingin mo? Huhuhuhuhu! Paano na ako nito! Kinakabahan ako, look, namamasa na ang kamay ko!" "Boba! Baka na-lowbatt lang si Deina. Wag kang magsyadong OA. Ahm, ano, try mo tawagan si Aariyah, baka nasa school pa siya. Sabi kasi a iyong dumiretso tayo sa detention office, eh. Napakamo lang talaga!" asik nito. H