"Bumili kayo niyan?! Hindi niyo ba alam na may pasok tayo bukas?" asik kong tanong dito kina Ace at Chase. Walanjo ang mga bwakanangshit at bumili pa ng Sanmig! Well, wala akong problema kung umiinom sila 'coz that's their choice at isa pa, they''re not minors para pagsabihan pa, pero ang punto ko lang naman ay bakit ngayon pa sila bumili niyan, eh, may pasok kami bukas. "Chillax ka lang Deina, di naman 'to hard drinks. Wala 'tong tama, promise. Kahit iyong hindi manginginom ay hindi mapapatumba nitong Sanmig," natatawang tugon ni Chase na para bang gusto niya akong kutyain na I should shut up dail wala akong alam sa alak. Ulol siya. Hindi man ako umiinom, iyong Kuya ko naman ay halimaw pagdating sa ganoon. "Siguraduhin mong hindi kita makikitang sumuka kapag pinalaklak ko iyan sa iyo,

