KRISTOFFER Saktong ala-singko ng hapon kami nakarating sa Hospital, salamat sa walang traffic at mabilis na pagmamaneho nitong pinsan ni Laurianne. Lakad-takbo na ang ginagawa namin dahil labis na ang pag-aalala ni Deina. "Pagagalitan ka ba niya talaga dahil lumayas ka nang hindi nagpapaalam?" tanong ko. Ako na lang ang sumama sa kaniya sa paghatid sa kaniyang silid dahil takot iyong apat. Ayaw nilang makita ang mama ni Deina. Kahit ako rin naman, kaso kailangan ko siyang harapin if ever na maabutan niya kami. Pero kung hindi, I'll invite her for a dinner, maybe the day of the operation ni Deina. "s**t, ayun nga si mommy, kinakausap iyong doktor ko," mahina ngunit mariing wika ni Deina. Napatingin ako sa unahan at hindi nga siya nagjo-joke, nandoon iyong mommy niya, nakatalikod at nakap

