SAM "Saya ka, Lau? Tanga mo, hindi dapat tayo natutuwa at baka mapatalsik talaga si Dayday sa gagawin niya. Anong mangyayari sa atin? Sa kaniya lang tayo nagtatago, literal na kumakapit. Kapag napaalis si Deina, aalis na rin ako. Susunod tayo sa kaniya kapag na-kick out siya, maliwanag?" tanong ko kay Laurianne. "Oo naman, hindi mo na ako kailangan pang sabihan," sabi niya na para bang ang bobo ko sa part na iyon. Sinamaan ko siya ng tingin. Nakaupo kami ngayon sa may landscape na upuan. Hinihintay namin iyong dalawa, buti na nga lang at pumayag si Deina na magpasama dahil kanina ang nais niya'y siya lang ang haharap sa Dean. "Sinasabi ko na rin dahil may Ace ka nang dapat i-consider, shunga ka. Oo, oo ka ngayon kapag aalis na tayo baka ngumawa ka dahil maiiwan ang Fafa na sinasabi mo