KRISTOFFER "Dude! Kristoffer! Gising!" Mabilis akong napabangon sa pagkakahiga noong maramdaman ko ang malamig na tubig sa aking balat. "Hah--" Imbes na magalit dahil basang-basa na ang katawan ko ngayon, nilingon ko iyong pinto ng OR. Noong makita itong nakasara pa rin, binalingan ko ng tingin ang mga kaibigan ko. "Ayos ka lang ba? Binabangungot ka kanina. Natakot kami kaya ka namin binuhusan ng tubig. Bigla ka na lang nagsisisigaw tapos umiiyak ka pa," paliwanag ni Aariyah sa akin. Noong mapagtanto ang nangyari, napalamukos na lang ako ng mukha. Nanginginig ang aking kamay, hindi ko iyon mapigilan. "Buhay pa si Deina?" kinakabahan kong tanong sa kanila. Hindi nila kaagad ako sinagot kaya muli ko silang binalingan ng tinging lahat. Nanlalaki ang mga mata ko, para akong baliw, ramdam ko

