CHASE Nakailang beses ko na bang sinipat ang orasan para hindi masipa ang halaman sa harapan ko?Kanina pa ako naghihintay kay Aubrey rito sa labas ng bahay nila dahil siya ang partner ko ngayong gabi. Sa sunod na araw si Dianne, tapos si Lara. Teka, may bebot na bang naka-schedule sa Saturday? Hmmm, ma-check nga mamaya sa planner. Kung wala, edi magja-jam na lang kami ni Yuri, movie marathon sa bahay tapos pag-chismisan sina Lei at Ace. Sarap no'n! "Mag-iingat kayo! Wag mong paliliparin ang sasakyan, Lau! Porket nakatapak na 'yang gulong mo sa semento, papaharurutin mo lagi! Kapag nadisgrasya kayo't napuruhan si Deina, kakaladkarin talaga kita pabalik sa probinsya!" Naagaw ang atensyon ko no'ng marinig ang pamilyar na boses. Malakas, akala mo'y sila lang ang tao sa paligid. Naglakad ak