XYRILLE "Bakit mo ako inimbitahan dito?" tanong ko kay Eirine. Nasa loob ako ng kwarto niya, nakasuot ng pyjama habang tumutungga ng San Mig. Lame drink. "Because we're both losers," sabi niya sa akin. Tumaas ang kilay ko't natawa. "Me? Hahahaha! Wag mo akong idamay, Eirine. Ikaw lang ang loser at hindi ako," depensa ko. "Nope, we are. Di ba ikaw iyong babaeng panay ang stalk kay Kristoffer? Don't you dare deny it dahil ako mismo ang nag-imbestiga sa iyo. Hindi lang kita sinita dahil pabor sa akin iyong ginagawa mo. Natutuon sa iyo ang atensyon niya because he's trying his best to get rid of you habang ako'y nakikipag-fling sa ka-team mate niya. You did a great job... sinong mag-aakalang dahil sa iyo kaya ako nasa ilalim ngayon." Hindi ko alam kung anong pinagsasasabi niya. Maybe sh