DEINA "Tumawag na kayo ng tulong! Ano ba!" Patuloy ang pagsisisigaw no'ng alalay ni Xyrille. Bakit kasi hindi na lang siya ang magbuhat? O kaya alukin niya 'yong mga katulad niya. Tutal marami naman silang bulag na tagasunod, edi sa kanila siya magpatulong? Pwede din naman ako, pero paniguradong hindi siya papayag. "Are you okay? Wag mong sisihin ang sarili mo, ha?" wika ni Yuri. May paghawak pa siya sa balikat ko. Kino-comfort niya ba ako? Anong gagawin ko? Magpabebe? Ngumiti? Sabihin sa kanya na natatakot ako kasi ako ang sinisisi no'ng bruha? Nah! That's lame! Hindi ako ordinaryong babae na kakagat sa gano'ng klaseng scheme. "I appreciate your intention, pero ayos lang ako. Hindi ko dinidibdib at wala akong nararamdaman na kahit ano. Kahit pa man hindi lang himatay ang nangyari dya