Kabanata 57

3005 Words

Sandbar Nagising ako sa huni ng ibon na maririnig mula sa binata. Kusot mata akong dumilat at sinulyapan ang hinihigaan ni Rexon kagabi. Wala na ito sa aking tabi ngunit hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Mahirap paniwalaan ang mga nangyari, pero isa lang ang alam kong totoo. Hindi na siya galit at wala na itong tampo sa akin. Hinila kong ang roba na naka-hanger sa pinto ng closet at naglakad patungo palabas sa pinto patungo sa maliit na veranda. My lips agape when I notice the Island right in front of me. Agaw tingin din ang sandbar na tila bentahe ng Isla. "Wow!" Hindi ko napigilan pang sabihin. "Gising ka na pala." Lumingon ako kay Rexon na ngayo'y tila handa sa pamamasyal sa buong Isla. Nakasuot ito ng white polo shirt at khaki short na tinernohan ng brown topsider shoes.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD