"Oh my God, Cher!" Mabilis dumalo sa akin ang nag-aalalang si Farrah at tinulongan akong tumayo. Maging si Jacky at Nicholas ay lumapit na rin sa amin. "Siguraduhin n'yo na hindi makakaalis ang mga ito. I will sue them and I make sure na magkikita kami sa korte." Utos ni Rexon sa security. Halos magkulay suka ang mukha ng mga ito sa tinurang iyon ni Rexon. Habang ang ilan ay halos maiyak sa takot. "You can't do this to us, Rex! Ginawa lang namin ang dapat para sa babaeng iyan!" Si Candice na tila hindi tinablan ng takot. "I don't ask anything from you," he answered sharply. Nagtangis ang bagang dito ni Candice at mabilis na humarap kay Rexon, "I'm very disappointed in you! Ikaw na itong tinaihan sa ulo, ikaw pa itong may ganang ipagtanggol siya?!" Rexon fire him a look. Base sa ting