Kabanata 38 Huminto ang sasakyan nito sa tapat ng isang konkretong bahay. Sa unang tingin palang masasabi kong isa ito sa may pinaka malaking bahay na nadaanan namin sa loob ng subdivision. Inalalayan niya akong makababa mula sa kotse ng makapasok ang sasakyan nito sa garahe. Hindi ko maiwasang tingalain ang bahay sa aking harapan. The gables and the balconies was almost perfect with a beautiful high arched window. Agaw pansin rin ang old wooden chair sa kaliwang bahagi ng porch na tila masarap tambayan tuwing hapon para mag kape. "Let's get inside," aniya saakin, hindi ko na pinansin pa ang pag gagap nito sa siko ko para alalayan papasok sa loob. The structure of the house was made by a crumbling rocks walls. A velvet drapes framed the windows, the lace inner curtains remained drawn