CHAPTER 20 "Where have you been, Maxine?" mariing tanong ni Leandro nang tuluyan siyang makalapit dito. Maging ang mga titig na iginagawad nito sa kanya ay seryoso at nahihinuha niyang hindi nito nagustuhan ang nakitang pagdating niya sa unibersidad sakay ng motorsiklo ni Kurt. "U-Uncle, si... si Kurt ho, kaklase ko," saad niya sa mahinang tinig. Because of what she said, Kurt abruptly turned to look at her. From her peripheral vision, she could see him staring at her, waiting for her to say something else. At alam niya kung ano ang hinihintay nito. Iyon ay ang ipakilala niya ito sa kanyang tiyuhin bilang kasintahan niya. She cleared her throat. Akmang ibubuka niya ang kanyang bibig upang magsalita pa ngunit inunahan na siya ng kanyang Uncle Leandro. "Sa maraming pagkakataon ay lagi k