MATAGAL na silang magkaibigan at magkasama. Paanong naglihim ito sa kanya ng ganun katagal at tungkol pa talaga doon? Hindi niya matanggap na ang itinuturing niyang kapamilya at matalik na kaibigan ay isang kaaway. “Sa maniwala ka o hindi wala akong idea, Pareng Enzo. Noong araw na binigay nyo sa akin ni Pareng Eros ang dalawang sample na dala niya. Akala ko kapangalan lang ng aking tiyuhin ang isang may-ari ng sample. Subalit ng makausap ko si Papa ay kumpirmado na siya nga pala iyon.” “Kung ganun bakit magkaiba kayo ng apelyido?” “Dahil half brother siya ni Papa at siya din ang dahil kung bakit umalis ako sa puder ng aking mga magulang. Ang gusto niya ay maging pinuno rin ako ng mafia ngunit ayaw ko. Siya din ang nag sulsol kay papa na ipakasal ako sa anak ng kaibigan niya.” hindi siy