UMABOT din ng isang buwan ang pamamalagi ni Calem sa ospital. Hindi biro ang tinamo sa aksidente na muntik ng ikamatay nito. Ngayon ay naririto na sila sa mansion at dito na magpapagaling si Calem. Si Wyatt ay nagpapatuyo na lang ng mga sugat. “Mster Lorenzo, nasa labas po ang taga SA Agencia.” Napaisip siya kung bakit hindi man lang tumawag sa kanya si Mr. Josh Montemayor. Dati pina paalam muna sa kanya kapag darating ang mga ito. At hindi niya maiwasan kabahan dahil biglaan ang pakikipag kita sa kanya nito. “Susunod na ako paki bigyan nyo muna sila ng inumin.” “Masusunod po, Master Lorenzo.” Pinuntahan muna niya ang asawa bago siya nagtungo sa naghihintay na grupo ni Mr. Montemayor. “May nangyari ba?” “May impormasyon kaming natanggap na patatakasin si Mr. Arizona at ang iyong ama