KASALUKUYAN niyang pinapakain ang dalawang bata habang nagkakape si Lorenzo. Nang dumating ang humahangos na si Mr. Wyatt. “Anong nangyayari, Wyatt?” “Master Lorenzo, may dumukot kay Dr. Norman.” “Ano?” sabay tayo ng kanyang asawa at iniwan ang iniinom na kape. At bago ito lumabas ng dining room ay lumingon sa kinaroroonan nila. Kaya mabilis siyang nagyuko ng ulo at nangkuwaring busy sa anak na bunso. “Aking Mahal, maiwan ko muna kayo.” Sabay lapit nitong muli sa kanilang tatlo at hinalikan pa sila. “Okay, mag-ingat kayo.” “Babalik agad ako, I love you.” “I love you too.” Nang mawala sa paningin ang asawa ay nakahinga siya ng maayos. At unti-unting nagluwag ang dibdib. Ang buong akala niya ay nakakahalata sa kanya si Lorenzo. “Hummm…. Mama Eli, alam mo kung nasaan si Uncle Doktor ‘