HINDI niya inaasahan ang dumating na isang imbitasyon. Mula iyon sa founder ng organisasyon. Ang pinagtataka niya ay anong okasyon at bakit kailangan kasama ang kanyang pamilya. Isa pa ay kamakailan lamang nangyari ang pag-atake dito. Halos isang buwan pa nga lang ang nakalipas. At ngayon ay may pagtitipon na naman. Hindi ba nag-aalala man lamang ito na baka may panibagong lulusob na naman sa mansion nito? “Master Lorenzo, ano ang iyong desisyon. Upang paghandain ko ang mga tauhan.” “Pupunta tayo kaya maghanda na kayo.” “Ilang elite ang kasama at sino-sino?” “Ikaw na ang bahalang pumili, sampung elite ay sapat na. Pakisabihan mo rin si Dr. Norman, na maghanda dahil kasama natin siya.” “Masusunod’ Master Lorenzo, maiwan na kita.” “Go!” pagtataboy niya kay Calem.” Nang sumunod na araw