Heisen At halos manlumo nga ako ngayon nang makita ang pagbagsak ni Chi sa lupa na kasabay nga non ay ang pagngisi sa akin ni Alyssa na siyang dahilan para paputukan ko siya ngayon ng baril na hawak ko dahilan para unti-unti na nga siyang maglaho na siyang hudyat para patakbo akong pumunta sa kinaroroonan ni Chi. “C—chi, gumising ka. Chi, gising!” sunod-sunod na bulalas ko rito habang hawak ngayon ang sugat niya at sinusubukan ngang patigilin ang paglabas ng dugo mula rito. “H—heisen si Kuya Omicron,” saad nga nito na ngayon ngay hawak-hawak na ang kamay ko dahilan para matigilan ako at hindi nga natigilan pa ang tuluyang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. “Chi—“ “P—pasabi kay kuya na mahal na mahal ko siya Heisen,” saad nga nito na siyang dahilan para mapailing ako ng ilang bes

