~Mikrodunia (Danymede)~ Helena “Natakpan ko na ‘yong sugat ni Chi pero mukhang malalim ‘yong sugat niya kaya hindi pa rin ito tumitigil sa pagdugo,” paliwanag ko nga kay Omicron nang matapos ko na ngang magamot si Chi. “At napaliwanag ko na rin sa kaniya na hindi mo intensyon na saktan siya.” “Ang tanga tanga ko Helena, bakit hindi ko man lang napansin na totoong Chi na pala ‘yong kaharap ko?” tugon nga nito na patuloy pa rin nga sa pagluha at halatang sinisisi ang sarili sa nangyari kay Chi. “Omicron, wala kang kasalanan. Ako rin naman ha, huli ko na ring napansin na si Chi na pala ‘yon,” sagot ko nga rito pero umiling lang nga siya at panay pa rin ang sisi sa sarili. “Kasalanan ko ito eh! Paano nalang kung mamatay si Chi dahil sa akin?” tanong pa nga niya na siyang dahilan para hind

