Helena “Teka nga, bakit ba hindi tayo sasama sa kanila para iligtas si Omicron kung talaga ngang nasa panganib siya?” tanong ko nga ngayon sabay napatigil at inalis ang pagkakahawak sa akin ni Yuta sa braso dahil tila ba nga minamadali ako nito ngayon na makalabas dito. “Susunod din lang sila sa atin kaya ano pa ba ang nirereklamo mo?” sagot nga nito na siyang dahilan para mapahinga ako ng malalim at tignan nga ito ng diretso. “Hindi ko maintindihan. Kung sasama ako sa kanila para iligtas si Omicron ay baka may maitulong po ako rito,” saad ko nga rito at akmang tatalikod na nga ako para bumalik at sundan sila Heisen na medyo nakalayo na nga. “Ayaw niya,” saad ngayon ni Yuta na siyang dahilan para matigilan nga ako at muli na nga ulit na ibaling ang tingin ko sa kaniya habang nakakunot

