Helena “Omicron, gumising ka!” Sabay tapik sa pisngi nito dahil ngayon ngay nakahilata siya at nahimatay matapos patayin ang ilusyon niya. “Ang sabi sa akin ni Yuta ay sa sandaling patayin mo ang ilusyon mo ay mamamatay ka rin at hindi ka na maaalala ng mga nakakakilala sa iyo. Pero may pulso pa siya at naaalala pa natin siya Heisen,” saad ko nga kay Heisen na nakatayo nga ngayon at nakabaling ang tingin kay Omicron at tiyaka nga niya ito ibinaling sa bangkay ni Chi. “Why did you do it Chi?” tanong nito sa bangkay ni Chi na siyang dahilan para kumunot nga ang noo ko dahil sa tuluyang pagtataka. Dahilan nga rin ito para tumayo na ako ngayon at tignan siya ng diretso. “M—may kinalaman ba si Chi rito Heisen?” tanong ko nga rito dahilan para mabaling ang tingin niya sa akin ngayon at ma

