Heisen Halos mahirap-hirap kong iminulat ang aking mga mata nang nagkamalay na ako. Isang napaka lapot na bagay ang halos nagkalat ngayon sa mukha ko at iba’t ibang arte ng aking katawan. Nasaan ba ako ngayon? At nasaan na ang mga kasama ko? Halos matigilan ako nang maramdamang tila gumagalaw ang kinaroroonan ko ngayong isang floating particle na gawa sa malapot na bagay na nagkalat ngayon sa katawan ko. Nag-floafloat ito ngayon sa isang likido na kulay asul na mas kaonti ang viscousity kaysa sa kinaroroonan ko ngayon. At nang hahawakan ko na sana ito ay bigla akong natigilan nang may biglang nahulog mula sa itaas na napunta rito. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang mabilisang natunaw ang bagay na ito. Dahil sa kuryusidad ko ay inalis ko ang relong nasa wrist ko ngayon at tiy

