Part I: Kabanata 2

2079 Words
August 29, 2029 Omicron "Nandito kayo ngayong sampu bilang pagpipilian sa mga ipapadalang estudyante sa Mendeleev Academia," panimula ni Professor. Narito kami ngayon sa auditorium kasama 'yong walo pang kasama namin ni Chi sa mga pagpipilian. Sabi nila ay lima lang daw ang matitira sa amin. At magpahanggang ngayon nga ay wala kaming ideya kung paano nila kami ieevaluate. "Itetest namin kayong lahat kung hanggang saan na ang alam niyo patungkol sa Agham, Teknolohiya, Matematika at iba pang kaalam. Kayo ang mga pinili namin dahil sa mga grado niyo. At ngayon ay kailangang niyong patunayan sa amin na tama nga ang ipinapakita ng mga grado niyo at karapat-dapat kayo na makapasok sa Mendeleev Academia," paliwanag ni General Garcia na dahilan para magbulungan ang lahat. At dahilan nga ito upang mapahinga ako ng malalim at tiyaka nga unti-unting nginitian si Chi na siyang hawak ko ngayon ang kamay. "You will be tested two times. At sa first challenge ay dalawa ang maaalis sa inyo. At sa pangalawa naman ay tatlo na ang maaalis," patuloy nito. "Kuya, we need to make it through," bulong sa akin ngayon ni Chi na ngayon ay ramdam ko nga ang panginginig niya sa kamay. "Chi, you don’t need to be nervous dahil alam kong makukuha ka," bulong ko rito at tiyaka ko nga nginitian siya ulit. At huminga din naman ito ng malalim ngayon at tinanguan ako. "At ngayon ay kasama ko ang top 1 ng Mendeleev Academia upang ipaliwanag sa inyo ang bawat pagsubok na gagawin ninyo.” Saad ngayon ni General Garcia na siya ngang tinawag na ang kaniyang anak na kanina ay nasa likod nga niya. “Ang aking anak na si Helena" Top 1 ha? Hindi ata halata. "Hindi biro ang paaralan ng Mendeleev. Kung inaakala niyong laro-laro lang ang lahat ng ito.” Panimula nong Helena na siyang ngayon ay itinuro nga ang pintuan sa likuran naming. “Nakabukas ang pintuan sa likuran at maaari ka ng umalis kung pansariling kagustuhan mo lamang ang pagsali." At ngayon ngay tumalikod ito mula sa amin at kumuha nga ng pagkakapal-kapal na question papers at tiyaka nga inilapag ito sa podium na kinatatayuan niya dahilan upang maglikha ito ng napakalakas na tunog na siyang umalingawngaw sa buong paligid naming. "The first task is to answer this test paper which consists of two thousand questions only within the time span of "—saad nito na siyang ngumisi nga ngayon—“six hours.” What? Two thousand questions within six hours? At talaga lang ha, balak ata nilang ubusin brain cells naming lahat eh. At hindi lang nga ako ang nagulat ngayon kundi maging ang iba ko pang mga kasama lalong lalo na nga si Chi na muli’t muli ngang nanginig ang kamay. "Sabi ko nga, hindi biro ang makapasok sa Mendeleev Academia. Ang mga katanungan dito ay may kinalaman lahat sa Science, Math, and Technology. Ngayon ay patunayan niyo kung karapat-dapat nga talaga kayong makapasok sa paaralan ko," patuloy niya na ngayon nan gay inutusan na ang mga personel to distribute the test papers to us. "Goodluck kuya," saad ni Chi bago pa man kami tuluyang paghiwa-hiwalaying lahat. _________________________ At the age of 18, William Perkin's chemical experiments led him to accidentally discover the first artificial dye. What colour was it? "Which was the first planet to be discovered using a telescope?" basa ko at ni hindi ko na nga napansin na napalakas na pala ang pagbasa ko dahilan para mabaling nga ang atensyon ng iba sa akin na si Chi ngay nilakihan pa ako ng mata ngayon na tila ba sinisigawan nga niya ako ngayon ng… Kuya, what the heck are you doing? Did you not see that we are trying to focus here? "Mr. Omicron Rivera! Kailangan ba talagang basahin mo ng malakas?" sarkastikong saad nga sa akin ngayon ni Helena habang nakataas ang isang kilay nito na dahilan para agad ko ngayong takpan ang mukha ko ng hawak kong test paper. Dorothy Hodgkin discovered the chemical structure of which well-known antibiotic in 1945? The first successful non-stop flight across the Atlantic was made by John Alcock and Arthur Brown in what decade? For a bonus point: What surprising item flew with them? Who was the first Briton in space? What is the only human disease to have been gekejelsks--- "What the heck is this!? Are you freaking trying to kill us!?" sunod-sunod na sigaw ko sabay tayo sa kinauupuan ko dahil halos sasabog na ngayon ang ulo ko sa sakit. Sa dinamirami ba naman ng mga questions sa tingin ba talaga nila hindi kami mababaliw rito? "Mr. Rivera, ano ba!?" sigaw ngayon ni Helena na siyang palapit na nga sa akin ngayon. "Kuya?" nagtatakang tawag sa akin ngayon ni Chi na dahilan para para ipakita ko nga sa kaniya ngayon ang frustrated kong mukha. "Kung mag-iingay ka rin lang dito ay mabuti pa't lumabas ka nalang Mister Rivera!" sigaw ni Helena sa akin na dahilan para manlaki ang mata ko at agaran ngang mapapupo dahil nga sa mga tinginan nito ngayon sa akin. At ngayon nasa harap ko pa rin siya at tila wala na nga atang balak na iwanan ako kaya naman napalunok na lamang ako at muling itinutok ang atensyon ko sa test paper. The world's oldest surviving steam locomotive was built around 1814 for use at the Wylam Colliery in County Durham. What is it called? One day, a person went to a horse racing area. Instead of counting the number of humans and horses, he counted 74 heads and 196 legs. How many humans and horses were there? Draw 2 supplementary angles. One angle is x-15 degrees and one is 2x degrees. What is the value of x in degrees? Helena Limang oras na ang nakakalipas at isang oras nalang ang natitirang oras nila para sagutin ang two thousand questions na inihanda ng council. Kita kong halos hirap na hirap na silang lahat lalong lalo na itong si Mister Rivera. I don’t know why but I just hate him for one non-valid reason na pumasok siya sa kwarto naming kahapon. And I just don’t like his attitude, at ni hindi ko nga alam kung bakit ba nasali ‘yan dito. Ngayon narito ako sa harap ng mesa niyaat binabantayan siya dahil baka mamaya ay hindi na naman niya maisara ‘yong matabil niyang dila at bigla-bigla na lamang siyang sisigaw. "Hoy Christian!" Ngunit halos natigilan nga kaming lahat ngayon nang makarinig kami ng sunod-sunod na tawa mula sa katabing mesa ni Mister Rivera. "Kuya, please call a medic," utos ko ngayon sa gwadiya at agaran naman nila akong sinunod kaya lang bigla na lamang tumakbo ang lalaki na tila nagpapahabol pa ngayon sa mga gwadiya. At halos napaatras nga ako nang pumunta siya sa direksyon ko na ngayon ay palapit na palapit na ito sa akin. At halos manlaki nga ang mata ko nang buhatin niya ang malapt na upunas sa kaniya na akmang ibabato nga niya sa akin dahilan para agaran akong mapatakbo palayo sa kaniya ngayon. “Kuya, stop him!” "Ikaw! Tangina ka! Sa tingin mo masasagutan namin ang two thousand questions mo sa loob ng anim na oras ha?!" sigaw nito na ngayon ay akmang ibabato na nga nito ang hawak niyang upuan pero bago pa man niya magawa 'yon ay laking pasasalamat ko nang mahuli na siya ng mga gwadiya at tuluyan nang inilabas. _________________________ "Okay guys, continue what you're doing," saad ko ngayon sa mga natira nang tuluyan na nga nilang mailabas ‘yong Christian na ‘yon. At nang sandaling tatapak na nga sana ako sa stage ay natigilan nga ako nang biglang may tumawa ulit pero halos manggilaati nga ako ngayon sa inis nang malaman na pinagtritripan lamang ako ni Omicron. At ngayong ay tawang-tawa ito maging na rin ang iba "Katuwa-tuwa ba ‘yon?” sarkastikong tanong ko ngayon sa kanila na siyang dahilan para halos sabay-sabay silang matigilan ngayon sa pagtawa. "Please focus in your paper.” Omicron "Nakita mo ba 'yon Chi. Parang hinahabol sa horror train si Helena kanina." Saad ko nga at magpahanggang ngayon ay tawang-tawa pa rin ako sa nangyari kanina. "Eh, totoo naman kasi 'yong sinabi ni Christian. Sobrang imposible kaya nong pinapagawa nila sa atin. Sino ba namang makakasagot ng mga nakakabobong tanong na 'yon within 6 hours. Eh, wala pa nga sa 100 'yong nasagutan ko eh." Ngunit natigilan nga ako sa pagtawa nang biglang samaan ako ng tingin ni Chi. "Kuya seryoso ka ba? Dapat nagshade ka nalang ng letters randomly kahit hindi mo alam 'yong sagot!" "Oo nga no? Bakit hindi ko naisip 'yon?" saad ko na sinabayan ko pa ng tawa ngunit halos mapasigaw nga ako sa gulat nang biglaan na lamang nga ako nitong sinampal sa braso. "Hindi mo naman ata sineseryoso kuya eh." "Alam mo Chi, wala naman talaga akong pakialam kahit hindi ako makuha eh. Basta makuha ka ay ayos na sa akin 'yon. Ayos lang na ako nalang ang mahirapan dito sa baba. Pinapanalangin ko talaga na kahit ikaw nalang ang makuha dahil sayang lang ang talino mo kung mananatili ka rito," saad ko habang nakatingin sa ceiling at nag-iimagine na ulap ang nakikita ko. Halos walong taon na rin kasi nang huling nakita ko ang ulap at halos walong taon na rin ang nakakalipas nang huli akong nakalanghap ng sariwang hangin. Lagi kasi nilang isinasara ang view ng labas dahil panay pagsabog lang ang makikita rito. "Kuya naman”—saad nito na ngayon ngay patakilid niya akong niyakap—“gusto ko tayong dalawa ang makapunta sa Mendeleev. Hindi mapapanatag ang kalooban ko kung iiwanan kita rito. Masyado nang delikado rito at anytime kuya ay maaari kang mamatay. Ayoko na ulit na maranasang mawalan ng mahal sa buhay kuya. Hindi ko na kakayanin na mawala ka pa sa akin kuya." Saad niya na dahilan para yakapin ko siya ngayon ng sobrang higpit. "Ako rin naman Chi eh. Ayoko na ulit na mawalan ng mahal sa buhay kaya nga gusto kong pumunta ka sa itaas para hindi ka na madamay sa gulong dinaranas natin dito sa baba," saad ko habang yakap siya. "Pero kuya, gusto ko kasama rin kita sa pagpunta roon. Kahit 'yon nalang ang birthday gift mo sa akin kuya. Ang makapunta tayong dalawa sa Mendeleev Academia," saad niya na dahilan para matigilan ako ngunit kalaunan ngay unti-unti ko na nga siyang nginitian. "I will try Chi”—saad ko nga rito at tiyaka siya diretsong tinignan ngayon—“but, I will not promise.” _________________________ August 30, 2029 "Lumabas na ang resulta ng inyong unang pagsubok. The highest score is one thousand seven hundred fifty," saad ni Helena na dahilan para maglakihan ngayon ang mga mata naming nang dahil sa gulat. Whoever is it ay napakahayop niya. I mean come on, halos mahimatay na kaming lahat sa kakanswer but she or he remains to get a high score. But I have an idea in my mind kung sino itong highest na ito… “I am pretty sure na ikaw ‘yon Chi,” bulong ko nga ngayon kay Chi na dahilan para ilingan niya ako. I do not mean na literal na hayop si Chi but you know, it is just so freaking beyond normal and I know that my sister is capable of doing that. “Kuya, I am pretty sure that I am not the highest,” pabulong na sagot niya dahilan para i-eye to eye contact ko nga siya at muling binulungan. “Trust my guts Chi.” Yes Chi, trust me, alam ko namang humble ka talaga but trust me ikaw ang hayop na nag-high score sa test. "Congratulations Chi Sasha Rivera," saad ngayon ni Helena na dahilan para mapatayo ako ngayon dahil sa saya at ibinaling ko nga ang tingin ko kay Chi. "Chi, I told you!" At kita ko rin naman nga ngayon na hindi ito makapaniwala ngayon pero tinanguan ko nga siya at muli’t muling binulungan. “I told you, always trust my guts.” "At ang apat pang kasama ni Chi sa top 5 ay sina Harold Yu, Felicity Pineda, Zandra Waldo at Ian Dela Vega. Congratulations sa inyong lima dahil may 1 point na kayo," patuloy ni Helena. "At ang dalawang maaalis sa first challenge na ito ay si Christian Vegas at Felipe Cruz. And that's it for your first challenge. Maaari na kayong umuwi at maghanda sa susunod na challenge bukas." At ngayon ngay masaya ko ngang niyakap si Chi ng sobrang higpit ngunit natigilan nga ako nang magsalita ulit si Helena. "And by the way, sa tatlong muntikan nang nahulog. Lalong lalo na sa'yo Mr. Rivera,”—saad nito ngayon na siya ngang diretso akong tinignan—“na halos limang puntos lang ang lamang kay Mister Cruz. “Kung talagang gusto niyong mapasama sa ipapadala ay dapat seryosohin niyo na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD