3rd Person's Point of View* Sa opisina ni Mike ay kanina pa niya gustong matapos ang usapang ito para makita na niya si Gerry. Ang kaharap kasi niya ngayon ay ang dad ni Gerry dahil may nabalitaan silang mga kalaban na dumating na kalaban ng pamilya nila. Umabot sa tenga nila ng mga kalaban ang tungkol kay Gerry. Pero mukhang nagdadalawang isip pa sila kung totoo ba ang bagay na yun o hindi. "Mas mabuti na diyan muna ang anak ko pero hindi pa din mawawala ang pinapagawa ko sayo." "Pu-protektahan ko po siya, father-in-law." Napabuntong hininga na lang si Maximus at wala na din siyang magawa dahil kasal na din ang dalawa. "Masaya ba ang anak ko diyan?" "Kagaya ng sinasabi ko sayo ay masaya si Gerry sa tabi ko. At mukhang magandang bagay na dinala ko siya dito sa mansion dahil malaki

