Geraldine's Point of View* Nakatingin ako sa phone ko dahil bigla itong tumunog at napakunot ang noo ko nang makita ko na tumatawag ngayon si Skyler. Baka nandidito na siya ngayon. "Hello, Sky." "Di ako makakapunta diyan dahil may pinapa-asikaso sa akin si Chief, biglaan." Kinabahan naman ako. "Sinabi mo ba?" "Hindi ko sinabi." Nakahinga naman ako ng maluwag. "You better explain to me, what's happening once magkikita tayong dalawa at hindi dito sa phone." "Yes, I will tell everything. Biglang may kumatok ulit sa pintuan. Baka bumalik na yung isang iyon. Iniwan ba naman ako? Para ano? Habulin ang babae niya? Kung sabagay maganda naman si Ate. Wala akong panlaban pag beauty na ang labanan. "Bukas yan," bored na ani ko. Bumukas naman ang pintuan at bored akong nakatingin sa sa

