3rd Person's Point of View* Habang nasa opisina. Habang nagbabasa ang ama niya ng papers ay di maiiwasan ni Mike na tingnan ang Dad niya. Agad naman iyong naramdaman ng ama niya. "What is it?" "Nothing." Napahinto naman sa ginagawa nito ang ama niya at napatingin sa anak. "Just say it. Kanina mo pa ako tiningnan na parang marami kang katanungan sa akin." "Bakit ganun ang trato mo sa Asawa ko?" Napakunot naman ang noo ni Gabriel sa sinabi nito. "Why? Ano ba ang dapat na itatrato ko sa daughter-in-law ko?" "May plano ka bang hindi maganda sa kanya?" Binaba na ni Gabriel ang ballpen niya at napakunot ang noong nakatingin sa anak. "Anong sa tingin mo? Gagawin ko ba talaga yun sa Asawa ng anak ko?" "Hindi natin alam. Sa pagkakakilala ko sayo ay wala kang sinasanto." Mahina namang

