Geraldine's Point of View* Nakapikit pa din ako at narinig ko ang ingay ng paligid dahil nagpapanik sila dahil sa nangyayari sa akin. Duh, nagpapanik pa eh planado naman ang nangyari sa akin. "Where's the medic?" Nag-aalala pa pala ang isang ito? Binully niya ako kanina diba? Ah actually di agad ako nahihimatay sa mga ganitong klase dahil sanay na ako sa mga ganitong bagay at wala lang ito sa katiting na ensayo ko noon. Nung natapos na akong maglinis ay lalabas sana ako pero nakalock na ang pintuan at alam ko na hindi si Mike ang may gawa nito dahil ang nakakagawa ng mga ganitong bagay ay ang mga isip bata lang naman. Ang ginawa ko lang naman ay humiga ako sa sahig dahil kahit puno na ng pesticide ang hangin dito sa loob ay may natitirang pure air sa may sahig banda kaya doon ako hu