Geraldine's Point of View* Sa malamig na gabing iyon at lalo na sa madilim na lugar kung nasaan kami ngayon ay nararamdaman ko ang mga titig na nakatingin sa amin. Teka kung tama ang hinala ko mukhang mga assassins ito. Mga kasamahan ba ito ng master ni Jane? Hindi ko alam kung kalaban ba ito o kakampi. Nararamdaman ko sila pero hindi ko pa din sila nakikita at ganun na din ang mga taong nandidito ngayon. Kahit nasa dilim sila ay nakikita ko pa din ang mga galaw nila dahil sa daloy ng hangin sa paligid ko. Nakatingin ako sa babaeng wala ng kamay at ulo na bumagsak na sa harapan ko ngayon na mag-i-inject sa sana sa akin na hindi natuloy. "Aaaah!" sigaw ng mga agents. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin doon. Ngeee parang first time? Nakikita ko na parang masusuka pa a

