3rd Person's Point of View* Isang buwan ang nakaraan ay hindi tumitigil sa paghahanap si Mike sa Asawa niya dahil hindi pa din siya naniniwala na nasama ito sa sumabog na sasakyan na nahulog ito sa bangin. Isang buwang nakatingin si Mike sa malayo habang nakahawak pa din sa litrato ng Asawa niya. "Wife, nagbakasyon ka lang, right? Katulad nang ginawa mo noong matapos tayong magpakasal? Babalikan mo naman ako diba?" Nakatingin siya sa litrato nito na nakangiti habang nakaupo sa binti niya nung kasal nila. Kagaya ng inaasahan niya wala siyang maayos na kain at tulog simula nung nawala ang Asawa niya. Naalala niya nung araw na nasa funeral home sila at naka-cremate ngayon ang katawan kuno ng Asawa niya. Wala siyang emosyong nakatingin doon. Katabi niya ngayon ang general na minsan na

