Geraldine's Point of View* Kanina pa ako nagbabantay kung saan ako dadalhin ng lalaking ito. Sana naman hindi sa lodge, motel o inn baka maaga ko siyang mapapatulog. "Have you been tense for a while now, wife? Are you feeling any pain?" Napatingin ako sa kanya at agad napa-iling iling. "Ha? Hindi ah." Mahina naman siyang natawa at hinawakan niya ang kamay ko na kinagulat ko at hinalikan niya ang likod ng palad ko. "Bakit ang weird mo? Kanina ka pa ha." "Ayaw mo ba na ganito ako?" nakatingin siya sa akin. "Eyes on the road." "Okay." Napalunok ako kasi naman nagmamaneho siya ngayon. "Napagdesisyunan ko na tuparin ang sinabi sa akin ni Mom noon at ganun na din ang sinabi ni Rafayel." Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Ha?" Napatingin siya sa akin at bumalik ulit sa daan ang ting

