Geraldine's Point of View* Napatingin ako sa laptop ko dito sa opisina ni Mike at sa may sofa ay may kasamahan siya at dito sila nagme-meeting at nandidito lang ako sa lamesa ko. Nakatingin kasi ako sa isang news at di ako makapaniwala na makita ang isang balita na isang pamilya ng mga mafia ang naubos ng isang gabi at walang buhay ang iniwan sa mansion nila. Hala ka, kagaya sa amin pero wala namang namatay sa amin. Ayon sa balita ay nakatanggap sila ng red card galing sa Mafia emperor at matapos nun ay inubos sila pagka kinagabihan nun. Hindi pa din ako makapaniwala habang nakatingin sa balita. Napasandal ako sa upuan ko habang nakatingin doon. Naalala ko din na sinabi sa akin ni Ethan na nagpakita ang Mafia emperor nung gabing iyon pero sinabi ko naman na not feeling well ako nun d

