3rd Person's Point of View* Nakahiga ngayon si Gerry sa higaan at nag-aalalang nakatingin ngayon si Mike sa kanya habang ginagamot siya ni Justine at nasa gilid naman si Jane na nag-aalalang nakatingin kay Gerry. "Hindi ko talaga malalaman na si Madame ay si Girlie." Napatingin naman sila kay Justine. Sinabi nila kay Justine at Jane ang katotohanan sa pagkatao ni Girlie na ito ay si Gerry. Gulat na gulat si Justine habang si Jane naman ay acting na lang na nagulat. "Ano po bang nangyari kay, madame, master?" agad na tanong ni Jane. Hindi kasi siya mapakali nung makita na walang malay si Gerry nung dumating sila kanina. Napatingin naman si Mike kay Jane. Naalala niya na ito pala ang inatasan niya na maging personal maid ni Gerry. "Nadamay siya sa pagsugod ng mga kalaban sa akin at

