3rd Person's Point of View* Sa garden ay isang malakas na putok ang nangyari pero hindi iyon tumama kay Justine kundi sa likod lang niya na at nanlalaki ang mga mata ng kalabang nagtutok ng baril sa kanya. At ang kamay niya ngayon ay nasa damuhan na. Dahil pinutol niya gamit ang malalaking gunting na hawak niya na kinaresulta na pagkaputol ng kamay niya. "Ohh... Nakakatakot yun," inosenteng pagkakasabi ni Justine sa lalaki at naging alerto naman ang iba. "H-Hindi ko nakita ang bagay na yun. Paano niya nagawa yun!" "Damn it! Patayin ang lalaking iyan!" sigaw nung naputulan ng kamay. Agad namang tinutukan ng baril si Justine ng apat na lalaki. At wala namang takot si Justine na nakatingin sa kanila at bigla siyang napangiti na kinalaki ng mga mata nila at inihanda ni Justine ang hawa

