Geraldine's Point of View* Huminto ang motor na sinasakyan ko at napatingin ako sa smart watch ko at ito ang kagubatan kung saan sila Mike inatake ng mga lalaki. Tinanggal ko ang helmet sa ulo ko at inulugay ko ang mahabang buhok ko at kinuha ko ang tali bago ko iyon tinali para hindi makaka-estorbo sa kagandahan ko. Tiningnan ko ang paligid at tahimik lang ito kaya pumikit ako at nag-meditate. Ginamit ko talaga ang pandinig at pang-amoy ko sa paghahanap kung may ibang tao pa ba dito bukod sa akin. Napangiti ako nang may narinig ako sa di kalayuan at naka-amoy din ako sa hangin. Pinatunog ko ang leeg ko at inikot-ikot ko ang kamay ko bago ako tumalon papunta sa sanga at plano ko talaga na umakyat sa pinakamataas na parte ng puno. Hanggang sa makita ko na na may usok sa unahan kung

