Geraldine's Point of View* Napabitaw naman ako sa kamay ni Rafayel. Wow, pati pangalan niya ay mala-anghel din! Pero except sa isang ito na Michael nga ang name pero hindi naman angel ang ugali. Tsk. "Michael," nakangiting ani ni Rafayel at nasilayan ko ang magandang ngiti na naman niya na pwede na siyang maging model ng toothpaste. "Anong nangyayari? Bakit mo hawak ang kamay niya?" Nagulat ako nung nasa tabi ko na si Michael na kinakunot ng noo ko dahil nasa harapan ko na talaga siya at nasa likuran na niya ako habang kaharap si Rafayel. "Ah, muntik na kasi siyang matumba kanina nung..." Nagsign ako na wag sabihin na nagslide ako kanina sa hagdanan. "... Bumaba siya sa hagdanan at mukhang hindi siya maayos kanina. Sure ka bang maayos ka na ba talaga?" Nakahinga naman ako ng maluw