Geraldine's Point of View* Napayakap ako sa sarili ko nung nasa harapan ko na siya ngayon. At walang emosyon siyang napatingin sa akin. "Paano ka nakarating doon sa cage?" "Uhmm... Narinig ko ang boses nung mga fur babies..." "Paano kung inatake ka nila? Nag-iisip ka ba? Walang kahit sino ang nagpapa-amo sa kanila! Anong ginawa mo bakit sila umamo ng ganun?" "H-Hindi ko din alam kung bakit ganun. Bakit ka naman nagsigaw sigaw? Malapit lang naman tayo." Nakayuko ako dahil ayokong makita ang mukha niya na galit. Naiinis ako sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko na kinatingin ko naman sa kanya at tiningnan niya kung may mga pasa ako o ano. "Walang ginawa sa akin ang mga fur babies mo." Hinawakan ko ang kamay niya na kinatingin naman niya sa akin at nakita ko na napabuntong hininga