Geraldine's Point of View* Napamulat ako at napatingin sa paligid at nag-stretching ako habang nakatingin sa labas. Ang peaceful ng araw na ito at alam ko bukas ay uuwi na si Mike. Ano kaya ang lulutuin ko para sa kanya bukas? Lahat naman atah ng luto ko ay favorite niya. Kinuha ko ang phone ko para mag-chat sana kay Mike ng good morning nang may nakita akong isang account na nag-send ng video at narinig ko na may kumatok sa pintuan at pumasok naman si Jane. "Good morning, Milady." Hindi ako nagsalita at lumapit naman siya sa akin at natigilan siya sa nakikita niya. "No way..." Dahan-dahan niyang hinawakan ang phone ko baka kasi itapon ko ang phone ko. Tiningnan namin ngayon ang video at makikita mo doon na si Mike talaga ang nakaupo sa sofa at may mga babaeng nakapaligid sa kanya

