Geraldine's Point of View* Nakatingin ako kay Jane ngayon na di pa din makapaniwala na nandidito ang master niya. At mukhang nakikilala siya ng mga ito. I need to save her. Napatingin naman sila sa akin at ganun na din si Mr. Morgan. "Anong ginagawa ninyo sa personal maid ko?" malamig na ani ko sa kanila. Napatingin naman si Jane sa akin at sinabi na 'Milady, wag na po kayong magsalita. Siya po ang master ko!' Kahit alam ko naman. Paninindigan ko ang bagay na yun at lumapit ako sa kanila. "And who are you?" tanong ng kanang kamay ni Mr. Morgan. I think Bruno Mars pangalan nito. Charoot lang. "I'm the lady of this mansion. I'm Geraldine Muller." Tumabi ako kay Jane na namumutla na habang nakatingin sa akin at lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko na pinapakalma ako at si

