Geraldine's Point of View*
Kinabukasan nun ay nasa taxi na ako papunta sa mansion ng mga Muller at napakagat ako sa labi ko habang nakatingin sa labas.
Ano ba ang unang gagawin ko? Mabuti tamang tama na may nagpost na kakailanganin nila ng maid sa mansion nila pero hindi personal maid ni Mike kundi taga linis lang ng mansion niya. Paano ba ako makakalapit sa kanya para malaman ko na at matapos na ang mission na ito?
"Miss."
Napatingin naman ako sa Driver na tinawag ako.
"Po?"
"Alam mo naman ang lugar na pupuntahan mo diba?"
Nagtataka naman akong napatingin sa Driver.
"Ah opo, bakit po?"
"Alam mo ba na kawawa ang mga nasa loob ng mansion na yun? Palaging nababalitaan na may mga p*****n na nangyayari sa loob dahil sa sunod sunod na pagputok ng mga baril sa loob ng mansion nila."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Talaga po?"
"Oo, yun ang sabi nila. Wala ding nagtatagal na mga katulong doon dahil sa pagmamalupit daw sa loob ng mansion."
"Bakit, nakita ba nila ang mga ginagawa sa loob?"
"Hindi din dahil siradong sirado ang boung lugar na walang makakasilip na kahit sino."
Doon na ako nagkaroon ng ideya. Mukhang magiging maganda at exciting ang pagpasok ko doon huh.
"Miss, hindi ka ba natatakot? Ano pala ang gagawin mo doon?"
"Papasok po bilang katulong."
"Mag-iingat ka talaga doon, Miss. Kung ako sayo di na ako papasok doon."
Ngumiti na lang ako at biglang napahinto ang driver na kinatingin ko sa kanya.
"Isang kanto na lang po, Kuya oh."
"Miss, pasensya na hanggang dito na lang talaga ako."
Napabuntong hininga na lang ako at dahan dahan na napatango.
Lumabas na ako matapos magbayad at kinuha ko ang maleta ko.
"Mag-iingat ka, Miss."
"Okay po."
At nagmamadali naman siyang umalis at napakamot na lang ako sa ulo ko at napatingin sa malaking pader na parang pang 'Attack on Titans' atah ang theme. Actually hindi pa ako nakapunta sa loob dahil hanggang hotel lang kami.
Naalala ko na bankrupt sila diba? Pero ganito pa din kalaki ang mansion... Hacienda na siguro ang tawag dito.
Lumakad na lang ako hanggang makarating na ako sa may main gate nila.
"Tao po?"
Pinindot ko ang doorbell hanggang sa biglang may nagsalita.
"Who are you?"
Shocks! Maka English huh!
"Hello po, nag-apply po ako bilang kasambahay dito at pinasa ko po sa online."
"Ikaw ba si Miss Gerlie Dell?"
"Ah yes po, ako nga po."
Biglang bumukas ang gate na kinagulat ko at nakita ko ang mga lalaking naka armado. Waaa this is it!
"Good Morning po!" nakangiting ani ko sa kanya. Kagaya ng aking plano ay mananatili akong happy go lucky na babaeng taga probinsya kuno. Yun kasi ang role ko for today's chapter of my life.
Nagtataka namang napatingin sa isa't isa ang mga gwardya dito.
"Pwede na po bang pumasok?"
"Let me see your ID."
"Ah okay po."
Kinuha ko naman ang ID ko at binigay ko sa kanila iyon at nakangiti naman ulit ako at dahan-dahan namang napatango ang isa at pinapasok na ako habang buhat-buhat ko ang maleta ko.
Napatingin ako sa isang golf car. Mukhang yun atah ang sasakyan namin papunta sa malaking mansion.
"Wow, ang laki talaga ng mansion na ito."
Inilibot ko ang paningin ko sa lugar na parang bagong salta sa city na galing sa bundok.
"Lalakarin natin?" tanong ko sa isang gwardya doon.
"No, you will ride a golf cart."
Tinuro niya ang golf cart at namangha kuno ako at parang ignorante na lumapit doon.
"Wow! Talaga! Sino ang driver?"
Napatingin ako sa golf cart na may driver na pala doon.
"Ang gwapo naman ng driver ko. Kayo na ang bahala sa akin, Kuya Driver."
Umupo na ako sa likuran at sinakay na din nila sa likuran ko ang dala kong bagahe at agad na nitong pinatakbo na kinamangha ko.
"Wow! Alagang alaga ang mga pananim dito ha. May gardener ba?"
Pero hindi naman sumagot si Kuya Driver.
"I didn’t realize we were in the presence of royalty!"
Natigilan naman siya sa sinabi ko at napatingin sa akin.
"Ayan hindi ka na snob."
Natatawang ani ko sa kanya na kinakunot ng noo niya.
"Stop being a talkative it's irrating to my ears and if you're here please be quiet. Our master don't like talkative person."
Napakunot ang noo ko at mahinang natawa.
"Talaga? Mukhang mas lalo akong nagiging excited na makita siya. Suplano ba ang master natin? Gwapo ba o matcho o baka matanda?"
"Do you want to lose your tongue?"
Napahawak naman ako sa dila ko at agad napailing iling at nagsign ako na zipper na ang bunganga ko hanggang makarating na kami sa mansion at may katulong na nakatayo doon at sa presensya pa lang niya ay nakikita ko na sa kanya si Miss Minchin sa Princess Sarah.
"So you're the new maid?"
Napatingin naman ako sa paligid at napaturo sa sarili ko.
"Ako po?"
"Who else?"
"Ah opo. Ako nga po pala si Girl----"
"I already know your name nasa bio data mo diba?"
"Ah yes po."
"By the way ako si Estrella at ako ang head maid ng mansion ni Master Michael."
Dahan-dahan naman akong napatango.
"Nice to meet you po."
Napakunot naman ang noo niya at pumikit siya at tumingin ulit sa akin na parang pinapakalma ang sarili.
"Follow me."
Kinuha ko naman ang bagahe ko at lumakad na kami at nakangiti lang akong nakasunod sa kanya at habang naglalakad ay namamangha talaga ako sa mansion ni Mike. Grabe talaga ang mga mayayaman.
"Uhmm, ano po ang itatawag ko po sa inyo? Madame, chief, or manang?"
Napatigila naman siya sa paglalakad at naniningkit ang mga matang nakatingin sa akin.
"Alam mo ang ingay mo."
"Tatahimik na po, Manang."
Napangiti ako habang nakatingin sa kanya at nanlalaki naman ang mga mata niya na ayaw niya na tawagin ko siyang ganun.
"Ika---"
Biglang napayuko ang mga katulong sa paligid na naglilinis dahil sa taong dumating sa may pintuan.
"Welcome, Master."
Natigilan ako at maski si Manang ay napayuko din at dahan-dahan naman akong napatingin sa taong pumasok sa mansion at walang iba kundi ang lalaking nakakuha ng virginity ko.
Si Mike.
*****
LMCD22