Geraldine's Point of View* Napalunok ako ngayon at inutusan ako ni Mike na humaharap ako sa dingding at di ko alam kung bakit pinatawag ni Mike ang lahat ng bodyguards niya. Dahan-dahan naman akong napatingin sa kanila kung ano ang ginagawa nila at nanlaki ang mga mata ko nung nagpush up positions sila. Eh! Hala? Bakit naman? Anong kasalanan nila? May pagka moody talaga ang isang ito oh! "Give me 1000 push ups." Napakunot ang noo ko habang nakatingin kay Mike at magre-react sana ako pero nagsign si Sire Joel na wag na lang akong mag react dahil mas lalong mahihirapan sila lalo. Wala talagang makakapigil sa kanya. Pero, hindi naman tama ang ginagawa niya. Napayuko ako parang nagi-guilty ako ngayon sa nangyayari sa kanila. "Bakit mo sila pina-parusahan, Master?" Gulat na napatingin

