3rd Person's Point of View* Nakita ni Gabriel ang pagtulong ni Raf kay Amelia. Napakunot ang noo niya nung hinawakan pa ni Raf ang kamay ni Amelia nung umalis na sila. Mas lalong di gumanda ang araw niya kaya binawi niya ang braso niya na hawak ng babaeng kanina pa parang tarsier na kumakapit sa kanya. Iniligtas kasi niya ito sa lalaking kanina pa humahabol kuno sa kanya kahit ayaw nito. "May problema ba?" "Wala na ang mga lalaking humahabol sayo. Go to the guidance office and report everything to them." Lumakad na ito paalis at dumiretso siya sa daan kung saan dumaan sila Amelia at Raf kanina. Alam ni Raf na may pagtingin siya kay Amelia pero hindi siya makapaniwala na gagawin nito sa kanya ang bagay na yun. Kanina nung nahulog ang gamit ni Amelia at gusto sana niyang puntahan it

