3rd Person's Point of View* Nagkamalay si Amelia at napatingin siya sa puting dingding at sa paligid at doon niya na-realize na nasa hospital siya. "Anong nangyari?" mahinang bulong niya at dahan-dahan siyang napa-upo sa higaan at napahawak siya sa ulo niya. Napahawak siya sa tiyan niya at pumikit siya at mabuti nararamdaman pa niya na may laman doon. Matagal na kasi niyang alam na nagdadalang tao siya dahil na din sa mga test na ginawa niya. Isang buwan na ang baby sa tiyan niya at hindi pa niya sinasabi kay Gabriel ang tungkol sa bagay na yun. Wala naman iyong pake alam kung may baby sila o wala dahil trabaho naman niyo ang inaasikaso nito. Bumukas naman ang pintuan at nakita niya ang walang emosyong mukha ni Gab ngayon. Napalunok naman siya sa nangyayari ngayon baka kasi nalama

