Geraldine's Point of View* Umalis na ako doon. Naiinis ako sa lalaking iyon habang naglalakad at nakahawak ako sa pisngi ko. Sigurado akong namumula pa ito. Nang biglang umikot ang paningin ko at napahawak ako sa dingding. Naghalo atah lahat. Hangover, lason at pagkasampal sa akin. "Sana di na lang ako umuwi dito." Napakagat ako sa labi ko at pinipigilan ang galit ko. Hindi ko naman hinahayaan na sampalin ako ng kahit sino pero bakit siya bigla na lang niya akong sinampal? Bakit? Natamaan ba siya sa lahat ng sinabi ko? Eh totoo naman na dahil sa pera napapasunod niya lahat. Dumiretso ako sa balcony ng mansion at doon ako tumayo sa gilid ng railings at nagbuntong hininga ako habang nakatingin sa kalangitan. Kailangan ko ng fresh air ngayon. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at ti

