Geraldine's Point of View* Daebak! Agad akong napatingin-tingin sa paligid baka may ibang kasama kami ngayon dito. "Di nga?" "Sayo ko lang sinabi sayo ang bagay na ito at mukhang ako atah ang pinunta nila dito. Di ko alam kung paano nila ako nahanap. Milady, please, itago mo ko sa kanila." Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Tumakas ka?" May napanood naman kasi ako noon na movies about sa mga assassins at bawal na bawal ang tumakas sa grupo nila. "Hindi naman sa tumakas.... Parang ganun na nga." Napatakip ako sa bibig ko habang nakatingin sa kanya. "So yung mga assassins..." "Mga ordinaryong ninja lang ang pumunta sa mansion noon at hindi mga assassins, Milady." Ohh... Ganun pala. "Teka lang wala akong maintindihan. Ipa-intindi mo sa akin para ma-protektahan kita sa kanila."

