3rd Person's Point of View* Nasa sasakyan na sila Maximus ngayon kasama ang ibang mga tauhan niya at kanang kamay niya na si Bruno. "Master, gusto niyo po na ako na po ang magbibigay ng leksyon sa assistant na yun? Hindi po kayo nirespeto." Napakunot naman ang noo ni Maximus sa sinabi ni Bruno. Hindi kasi nagustuhan ni Bruno ang ginawa ni Gerry kanina sa kanila. Pero naramdaman ni Bruno kanina ang death glare ni Gerry kaya napatahimik siya na kina-inis niya sa sarili niya kung bakit nangyari yun sa kanya. Parang titig ng Master niya pag binabalaan siya. "Bakit mo gagawin ang bagay na yun? Hindi ka nga nakasalita nung pinatahimik ka niya." Mahinang natawa si Max sa nangyari kanina. Unang beses niyang nakita ang babae ay pakiramdam niya mukhang pamilyar ito sa kanya. "Interesting y

