Geraldine's Point of View* Naglalambingan kami ni Mike dito sa park nang makita ko na may limang lalaki na may hawak na binatilyo. "Wag na wag kang magnanakaw. Alam mo naman na masama ang bagay na yan diba? Ipapatawag natin ang mga magulang mo." "Bitawan mo ko!" Mabuti nahuli nila ang binatilyong iyon. Marami na talagang mga ganitong tao sa boung mundo. Napatingin ako sa kanila at dinala nila ito sa mga pulis. Mukhang mga tagabantay sila dito sa park para sa kapayapaan. Nabalitaan ko na walang sweldo ang mga ganito. Parang incentives lang atah ang binibigay sa kanila pero mabuti na din iyon dahil wala na masyadong krimen kung walang pulis dito. Napangiti na lang ako at napatingin sa kalangitan. Napabuntong hininga na lang ako. Ang sarap sa pakiramdam lalo na nasa likod mo ang taong

