Geraldine's Point of View Hindi ko pinahalata ang pagpapanik ko. "Hindi ko po kinukumpara ang sarili ko sa Asawa ni Mr. Muller. Malayong malayo po ako sa kanya." "Hmm... I apologize for that." "Dahil lang po ba doon kaya po ninyo ako hinahanap." "May gusto lang akong makita bago bago kami umalis ngayon." Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa akin. "What is it, Mr. Morgan?" Tiningnan niya ako at isang iglap may inilabas na shuriken si Bruno at itatapon sana sa akin nang mag-act ako na kinuha ko nag phone ko sa bulsa ko at may maliit na sugat ang nasa pisngi ko ngayon. Damn! Papatayin ba ako ni Bruno? "Wife!" Napatingin ako kay Mike na nagulat dahil sa nakita niya sa pisngi ko at hinawakan ko naman iyon ay mayroon ngang sugat doon. "Saan galing ito?" inosente ani ko sa kani

