Geraldine's Point of View* Nakatingin ako sa steak na niluluto niya nang may naalala ako. Paano niya malalasahan ang luto niya kung di naman siya nakakalasa? Napatingin ako sa kanya at ang galing niya dahil para siyang chef ngayon at ang ganda ng pagkakahiwa niya sa Karne. Tiningnan ko siya. Bakit niya ginagawa ang lahat ng ito? Anong ibig sabihin nun? Nag-aalala din ba siya sa akin? Gumalaw ako at ramdam ko ang sakit sa pang-upo ko. Nabagsak kasi ang pwetan ko nung nahulog ako nun. Napapikit ako nang marealize ko na nasa harapan ko si Mike kaya dahan-dahan akong tumingin sa kanya sa gilid ko at huminto pala siya sa ginagawa niya at nakatingin sa akin. "Hindi ka ba kumportable sa inuupuan mo?" Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napa-iling iling. "Ayos lang ako dito. Patuloy mo l

