3rd Person's Point of View* Headquarters... "Bakit mukhang natatagalan ang usad ng mission ni Astraea? May nangyayari bang di maganda?" tanong ng General nila na ama ni Gerry na nasa America. "Pasensya na po, General. Alam niyo naman si Astraea ay hindi minamadali ang lahat at ang sa kanya lang ay perpekto ang lahat sa huli." "I know that. Nagpalaki ako ng perpektong anak o sundalo na di ako kailanman bibiguin." Alam niya sa pagpapalaki niya kay Astraea ay naiiba talaga siya sa lahat at proud siya dito. Simula bata pa siya ay lumalabas na ang mga kakayahan ni Astraea na hindi pangkaraniwang at hindi pa din nila nakikita ang totoong mga magulang nito. Pero wala naman siyang plano na iuwi ito sa tunay na mga magulang nito. Binigay na niya ang lahat-lahat pera, pagmamahal at panganga

